Nagpahayag ng suporta si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa hakbang ng ilang local government units (LGUs) na humiling ng pahintulot ng magulang o tagapag-alaga bago mabakunahan laban sa COVID-19 ang isang batang may edad 5 hanggang 11.
Sa gitna ng paghikayat sa mga magulang na magpakuha ng anti-COVID shots sa kanilang mga anak, sinabi ni Eleazar na ang pinal na desisyon sa pagbabakuna ng bata ay talagang nakasalalay sa mga magulang.
Nauna rito, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang paglalahad ng pahintulot ng magulang bago payagan ang pagbabakuna ng mga bata laban sa COVID-19 ay isang requirement.
Idiniin ni Eleazar na, “Imbes na magpilitan, tutukan na lang natin ang information drive para makumbinsi ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak.”
Ayon kay Eleazar, ang agresibong information dissemination ay maaaring makatulong sa mga magulang sa kanilang proseso ng pagdedesisyon hinggil sa pagbabakuna sa kanilang mga anak.
Ang ilang mga site ng pagbabakuna ay naghanda ng pambatang tema upang hikayatin ang mga bata na mabakunahan.
Source: https://newsinfo.inquirer.net/1551019/eleazar-backs-parents-consent-requirement-for-kids-vaccination