Nakatanggap ng early Valentine’s gift si Alodia Gosiengfiao nang ipakita niya sa mga fans ang bouquet of flowers na ipinadala sa kanya ng isang secret admirer.
Nagulat si Gosiengfiao sa napakalaking bouquet ng sunflower, na makikita sa kanyang Instagram page.
Tumugon din ang cosplay star at vlogger sa isang Valentine’s date offer mula sa misteryosong nagpadala, habang pabiro siyang humingi ng imbitasyon sa Google Calendar.
“And yes, I know Valentine’s is just around the corner. Please send me a Google Calendar invite so I am reminded that day. Para sure,” dagdag pa niya.
Nauna nang kinumpirma ni Gosiengfiao ang kanyang hiwalayan sa kapwa vlogger na si Wil Dasovich, na binanggit kung paano nila sinubukan na ayusin ang mga bagay nang maraming beses ngunit may mga bagay na hindi dapat mangyari.
Naging matunog din ang dalawa sa headlines matapos magcaption si Gosiengfiao ng “Ako nga pala sinayang mo” sa isa sa kanyang mga post, na kung saan ay tila sumagot din si Dasovich. Kalaunan ay nilinaw ni Gosiengfao na nagbibiro lamang siya at ang kanyang sinabi ay “base sa isang meme.”
READ MORE:https://entertainment.inquirer.net/437014/look-alodia-gosiengfiao-receives-flowers-from-secretadmirerutm_medium=Social&utm_source=Facebook#Echobox=1644378041