MANILA — Nagsampa ng maraming reklamo ang investigative journalist at award-winning book author na si Raissa Robles laban sa suspendidong abogado at senatorial candidate na si Lorenzo “Larry” Gadon dahil sa viral video na lumabas noong Disyembre kung saan isinumpa siya ng senatoriable.
Sa 11-pahinang complaint affidavit na inihain sa Quezon City Prosecutor’s Office, inakusahan ni Robles si Gadon ng paglabag sa Safe Spaces Act (Republic Act 11313) at ng paggawa ng libel at cyber libel.
Nagsimula ang dalawampu’t-dalawang Segundo na video clip sa pagbanggit ni Gadon kay Robles sa kanyang buong pangalan, pagmumura sa kanya at pagtawag sa kanya para sa diumano’y pagpapakalat ng impormasyon na hindi nagbabayad ng buwis si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
“Anong pinagsasabi mong hindi nagbayad si BBM ng taxes? May certification yan galing sa BIR,” galit na sabi ni Gadon sa mamamahayag.
Sinabi ni Robles na gumamit si Gadon ng “brutal, dehumanizing, misogynistic at sexist” na lenggwahe sa video.
Ang Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law, na nilagdaan bilang batas noong 2019, ay nagpaparusa sa sekswal na panghaharass na nakabatay sa kasarian sa mga pampublikong lugar at online.
Maaaring maharap si Gadon mula sa 2 taon at 4 na buwan hanggang 4 na taon at 2 buwang pagkakulong bukod pa sa hanggang P500,000 na multa, kung mapatunayang nagkasala.
Ang batas ay nagpapataw ng mas mataas na parusa kung ang nasaktan na partido ay isang senior citizen tulad ni Robles.
Binanggit ni Robles ang direktiba na pinasimulan ng Korte Suprema noong Enero ng taong ito na naglalagay kay Gadon sa preventive suspension at nag-utos sa kanya na ipaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-disbar, bilang patunay kung gaano kakila-kilabot ang video.
Si Robles ay nagtatrabaho bilang isang senior Manila correspondent para sa South China Morning Post na nakabase sa Hongkong at nagpapanatili ng isang investigative at news blog sa politika ng Pilipinas.
Inakusahan din ni Robles si Gadon na gumawa ng libel at cyber libel nang, sa isang Facebook video na sinasabing nilayon bilang paghingi ng tawad sa viral video, humingi lamang ng tawad si Gadon sa mga kababaihan sa pangkalahatan at sa halip ay inakusahan siya ng pagkalat ng “fake news.”
Ang parusang ipinataw para sa tradisyunal na libel sa ilalim ng Revised Penal Code ay hanggang 4 na taon habang sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act (RA 10175), ang pagkakakulong para sa cyber libel ay maaaring hanggang 8 taon.
Si Gadon ay nahaharap sa 4 na reklamo ng disbarment.