Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso noong Sabado na ang tanging paraan upang malutas ang katiwalian ay ang limitahan ang pagpapasya ng tao sa mga transaksyon ng gobyerno na magpapasimple sa mga proseso ng gobyerno sa pamamagitan ng digitalization at automation.
“The only way to fight corruption is to limit human discretion. Then naturally corruption will die,” sabi ni Moreno sa batikang TV host na si Korina Sanchez sa segment ng kanyang programa na “Upuan ng Katotohanan – The Presidentiables.”
Sinabi ng Aksyon Demokratiko standard bearer na magiging seryoso ang kanyang administrasyon sa kampanya laban sa katiwalian at ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-angkop sa umiiral na teknolohiya na maglilimita sa paghuhusga ng tao sa bawat transaksyon ng gobyerno tulad ng ginawa niya bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.
Bilang bahagi ng “Smart Governance” sa ilalim ng kanyang Bilis Kilos 10-Point Economic Agenda, ipinangako ni Moreno na isulong ang kadalian ng pagnenegosyo sa lahat ng antas ng gobyerno upang masugpo ang katiwalian. Noong 2019, nairanggo ang Pilipinas sa ika-95 sa 190 na ekonomiya sa kadalian ng pagnenegosyo.
Pasisimplehin din diumano ng 47-anyos na presidential aspirant ang mga proseso ng gobyerno sa pamamagitan ng digitization at automation at sa pamamagitan ng pagrepaso, pag-aalis o pag-update ng mga umiiral nang batas at pagbibigay-priyoridad sa mga system na may mga umuunlad na landscape.
Sa panayam kay Korina Sanchez, pinanindigan ni Moreno na ang muling pamumuhunan at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga tao ay makatutulong sa pagsagip sa ekonomiya ng Pilipinas na lubhang naapektuhan ng pandemya ng Covid-19.
Sinabi ni Moreno sa isang sitwasyong pandemya na kasalukuyang kinakaharap ng bansa, mahalagang magtakda ng layunin ang isang pinuno. “In a pandemic situation like this, there is no playbook, no? I don’t want to point fingers on all the things… or the situation right now kasi hindi naman lahat kasalanan nila. May mgs kasalanan din naman ang ilan, lahat tayo may obligasyon. We have to set our goal,” dagdag pa niya.