Tinawag na “milagro” ng mga mambabatas ang tila napakabilis na pag gasta ng budget ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) budget. Ang numero, tumataginting na apat na bilyong piso sa loob lamang ng 13 na araw.
Nakwestiyon ang TESDA Budget Sponsor na si Jan Jalosjos kung bakit tila nagmilagro ang pag gasta ng bilyones na dapat sana ay unobligated funds ng TESDA.
Sa pagtatanong ni Rep. Stella Quimbo, napagalaman na noong Sept. 21, 2021, 4 bilyong piso ang unobligated funds ng TESDA. Ibig sabihin, ito ang mga pondo na ibabalik dapat ng TESDA dahil hindi na-bid ang proyekto.
Ngunit laking gulat ng mga mambabatas nang sabihin ni Jalosjos na noong Sept. 23, 2021 ay 900 milyon na lamang daw ang unobligated funds. Ibig sabihin, naubos sa loob lamang ng 13 na araw ang halos apat na bilyong piso.
Dagdag ni Quimbo, laging halos dalawang taon bago maubos ng TESDA ang kanilang budget. Kaya nakakapagtaka na nagasta agad nila ang halos apat na bilyon sa loob ng 13 na araw.
Kilala si Jalosjos sa kanyang mga TUPAD programs na pinamumudmod nya sa kanyang mga constituents sa 1st District Zamboanga Del Norte na kilalang balwarte nila simula pa noong panahon ng kanyang ama na si convicted child rapist Romeo Jalosjos.
Sources: