MANILA, Philippines — Tatlong dating opisyal ng militar ang nagpahayag ng pagtitiwala sa kakayahan ng kandidato sa pagkapangulo at Bise Presidente Leni Robredo na pamunuan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at pangasiwaan ang mga isyu sa pambansang seguridad.
Sa isang forum na inorganisa ng 1Sambayan coalition, tinanong ang mga dating opisyal ng militar kung nakikita ba nilang sapat na may kakayahan si Robredo upang tugunan ang mga problema sa pambansang seguridad. Kabilang sa mga puntong itinaas sa tanong ay ang pagiging babae ni Robredo.
Sinabi ni dating AFP chief-of-staff at senator Rodolfo Biazon na walang sinumang pinuno ang makakalutas sa mga problema ng bansa, idiniin na ang isang pinuno ay nangangailangan ng isang pangkat upang tumulong sa paglutas ng mga isyu.
“Ako’y natutuwa na yung paggamit niya (Robredo) ng laylayan, ang ibig sabihin nakatingin siya hindi lamang doon sa major issues—pero ang kalagayan ng ating nasa laylayan is a major issue,” ayon kay Bianzon.
Sinabi ni dating vice commander ng Philippine Navy Rear Adm Rommel Ong na kabilang sa lakas ni Robredo ay marunong siyang makinig.
“Ang importante sa isang lider, ke presidente, ke anumang pinuno siya, is marunong siya makinig sa staff niya o makinig sa mga taong pinagkakatiwalaan niya,” ani naman ni Ong.
Samantala, sinabi ni dating Philippine Navy officer at senator Antonio Trillanes na si Robredo ay isang lider na maaaring magdesisyon habang siya ay consultative.
Nagpahayag din ng paniniwala si Biazon na nananatiling buo ang “institutional sense of value” ng AFP sa kabila ng pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Duterte na ligawan ang suporta ng militar.