MANILA,PHILIPPINES— 1 Lalaki patay habang sugatan ang 1 pa nang banggain ng kanilang motorsiklo ang poste sa Sampaloc, sa lungsod na ito Martes.
Minamaneho ni Ariel Esplago, 22, ng Lacson Street ang motorsiklo habang angkas niya si Rainier Christopher Dondoyano, 21.
Binabaybay nila ang eastbound lane ng Legarda Street nang tumbukin nila ang poste sa pakurbang bahagi. Tumilapon ang mga naka-motor bago bumagsak sa semento.
Itinakbo sila sa ospital, pero nasawi ang driver na si Esplago dahil sa lubha ng kaniyang mga tama sa katawan.
Sugatan din ang angkas niyang nagpapagaling pa sa ospital.