Pinuna ng paksyon ng PDP-Laban ni Senador Manny Pacquiao ang ginawang anunsyo ng party wing ni Energy Secretary Alfonso Cusi na nagpatibay kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio bilang vice presidential candidate nito.
Sinabi ni PDP Laban Vice Chairman Lutgardo Barbo sa isang pahayag na ang anunsyo ng Cusi wing ay nagpakita ng pagiging desperado ng kanilang mga karibal na humawak sa kapangyarihan.
Sinabi ni Barbo, isang three-termer na gobernador ng Eastern Samar, na ang paksyon ng PDP Laban ni Pacquiao ay mananatili sa kandidato nito.
“As far as the real and genuine PDP Laban is concerned, our vice-presidential candidate is former Manila mayor and now Congressman Lito Atienza and our Presidential candidate Sen. Manny Pacquiao,” ayon kay Barbo.
“Matagal nang Pacquiao-Atienza ang PDP Laban sa simula pa lang because we are a disciplined party with a clear vision and program of government,” dagdag pa niya.