MANILA, Philippines — Naitala ng Metro Manila nitong Linggo ang pinakamababang temperatura sa panahon ng northeast monsoon o “amihan” season, kinumpirma ng state weather bureau.
Nagtala ang Metro Manila ng temperaturang 19.7 degrees Celsius sa Science Garden sa Quezon City, na siyang pinakamababang temperatura ngayong panahon ng amihan, ayon kay Ana Clauren, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) weather specialist.
Sinabi ni Clauren na ang Metro Manila ay maaari pa ring makaranas ng temperatura na mas mababa sa 19.7 degrees Celsius dahil ang panahon ng “amihan” ay maaaring tumagal hanggang sa ikalawang linggo ng Marso.
Iniulat ng Metro Manila ang pinakamababang temperatura nito noong Enero 11,1914 sa 14.5°C, ayon sa opisyal na website ng Pagasa.
Ang panahon ng “amihan” ng bansa ay nagsimula noong Oktubre. Ang “amihan” ay isang malamig at tuyo na hanging hilagang-silangan na nagmumula sa Siberia at China na humihip pababa sa Timog-silangang Asya.