fbpx

Mental health ‘Ayuda’ for Sectors Psychologically Hit by Pandemic Sought

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang mental health “ayuda” para sa ilang sektor na napaulat na sikolohikal na tinamaan ng COVID-19 pandemic.

DOH: It's time to talk about, address depression | Philstar.com

Ang isang kamakailang pag-aaral ng Asian Development Bank Institute ay nagpakita na ang mga kabataang pinagkaitan ng harapang klase, kababaihan at mga displaced na manggagawa ay ang pinaka sikolohikal na apektado ng pandemya.

Iminungkahi ni Pangilinan na bigyan sila ng mental health treatment.

Ang National Center for Mental Health, aniya, ay dapat ding palawakin ang kapasidad nito na asikasuhin ang mas maraming tao ngayon na dumaranas ng depresyon at iba pang mga isyu sa kalusugan ng isip dahil sa pandemya.

Philippines: Delivering mental health services closer to the communities

Dapat matugunan ang kalusugan ng isip ng mga tao, giit ni Pangilinan.

“Understandable na dahil maraming nawalan ng trabaho o nabawasan ang working hours, at hindi regular ang kita, nakakadagdag sa stress ang walang-kasiguraduhan. At yan ang nagpapalala ng mental health,” ayon kay Pangilinan.

“Kaya naman, bukod sa mental health assistance, kailangan na talagang ayusin ang pagtugon sa pandemya para bumalik na ang economic activity, ang mga trabaho, at ang face-to-face classes,” dagdag pa nito.

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH