MANILA — Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong Linggo na nakipagtulungan sila sa Philippine General Hospital (PGH) para sa pamamahala ng kauna-unahang ospital sa bansa para sa mga overseas Filipino workers (OFWs)
.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na nilagdaan nito kamakailan ang isang memorandum of understanding (MOU) sa PGH upang pangasiwaan ang ospital, na itinatayo sa San Fernando, Pampanga.
Sa ilalim ng MOU, tutulungan ng PGH ang OFW hospital sa pamamagitan ng “training of clinical and administrative personnel, planning and acquisition of hospital equipment, and formulation of clinical and fiscal process flow.”
Gagabayan din ng PGH ang ospital sa paglikha ng electronic medical record at hospital information system at pagpaplano ng layout ng imprastraktura kaugnay ng mga klinikal na serbisyo.
Nakatakdang matapos ang 100-bed hospital building sa Marso ngayong taon.