Sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan noong Sabado na maglalabas ito ng mga alituntunin kung paano gagamitin ang self-administered antigen test kits habang ang Food and Drug Administration (FDA) ay nasa huling yugto ng pagsusuri sa pagpaparehistro ng mga produkto.
Nauna rito, sinabi ng DOH na 11 manufacturers ng self-administered antigen test kits ang nag-apply sa pag-apruba ng FDA.
Paliwanag ni Vergeire, kapag natanggap na ng FDA ang lahat ng dokumento ng mga aplikante, sasailalim ito sa inisyal na pagsusuri na ipapasa sa RITM para sa performance validation.
Habang hinihintay ang pinal na sertipikasyon ng FDA, sinabi ng opisyal ng DOH na maglalabas ang departamento ng Kalusugan ng patakaran “sa susunod na linggo” kung paano magagamit ang self-administered antigen test kits.
Nilinaw niya na ang paggamit ng self-administered antigen test kit na kasalukuyang available sa merkado ay nangangailangan ng gabay mula sa isang healthcare worker at hindi dapat gamitin sa bahay dahil ang maling paggamit ay maaaring humantong sa isang maling negatibong resulta.