MANILA— Ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kaugnay ng tatlong disqualification case na inihain laban sa kanya nga iba’t-ibang mga grupo.
Sa social media post ni Commissioner Rowena Guanzon, na may hawak ng Comelec first division, kinumpirma niya na ipinatatawag si Marcos para sa mga sumusunod na kaso:
• Bonifacio Ilagan, et al. vs Marcos
• Akbayan Citizen’s Action Party vs Marcos
• Abubakar Mangelen vs Marcos
Kinakailangang magsumite ni Marcos ng sagot para bawat isang petisyon sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng notice.
Ang Ilagan petition ay mula sa mga Martial Law survivors, kasama rito ang dating Makabayan bloc lawmakers na sina Satur Ocampo and Liza Maza.
Nakatakda na rin ang pagdinig ng dibisyon para sa mga kasong ito sa January 7, 2022. Sa kasalukuyan ay mayroong anim na aktibong petisyon laban sa pagtakbo ni Marcos sa pagkapangulo.
Read more:Comelec summons Marcos anew over 3 disqualification cases | ABS-CBN News