fbpx

Banta ng Omicron sa NCR, Tumaas Kasabay sa pagsapit ng Holiday

MAYNILA – Classification rate ng ilang lugar sa Metro Manila tumaas. Ito ay sa gitna ng mas maluwag na protocols at mas maraming lumalabas bunsod ng holiday season, at sa banta na rin ng omicron variant.

DOH prepares for possible COVID-19 cases surge after holidays

Ayon sa Department of Health (DOH), mababa pa rin ang occupancy rate ng mga ospital. 

“Our hospitals are still at that same level kung saan low risk pa sila. Sixteen percent utilization of our beds all over the country. Wala pa ring nakikitang nagpupunuan ang mga ICU or ward beds. Hindi pa nagta-translate itong uptick ng kasong ito sa mga pagkapuno ng ospital,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 

We've cried ourselves dry': COVID overwhelms Manila hospitals | Coronavirus  pandemic News | Al Jazeera

Kailangan pa umano ng isang linggong pagmo-monitor para malaman kung nagbago na muli ang trend ng kaso. 

Pero hindi pa dapat maalarma aniya ang publiko, at dapat tumuloy sa pag-iingat. 

Sang-ayon naman dito ang infectious diseases expert na si Dr. Rontgene Solante, na sinabing aasahan ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 cases dahil marami na ang pagtitipon ngayong Pasko. Malaki rin ang posibilidad na ipako muli sa pagpasok ng Enero ang bansa sa Alert Level 2, ayon kay National Task Force on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez. 

Written by
Bulatlat PH
View all articles
Written by Bulatlat PH