Sa Sept. 6-11 survey results mula sa Pulse Asia, isang buwan bago ang opisyal na paghain ng kandidatura ng mga nais kumandidato, si VP Leni Robredo ay mayroon lamang walong porsyento (8%) sa kabuuan ng mga sumagot.
Pero sa pinakalatest na resulta mula sa survey na ginanap noong Dec. 1-6 ay nasa ikalawang pinakamataas na puwesto na si VP Leni na nakakuha ng 20% ng boto mula sa 2,400 na mga nagsagot.
Sumusunod naman sa kanya ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno Domagoso at Sen. Manny Pacquiao na parehong nakakuha ng walong porsyento (8%) ng mga boto.
Ang running mate naman ni VP Leni para sa pagka-bise presidente na si Sen. Kiko Pangilinan ay nasa ikatlong pwesto at nakapagtamo ng 12% ng mga boto.
Read more:Bongbong, Sara lead latest Pulse Asia poll for pres’l, VP race | ABS-CBN News