MANILA, PHILIPPINES—Sinabi ni Vice-President Leni Robredo na ang telemedicine service ng kanyang opisina, Bayanihan E-Konsulta, ay nakakatanggap ng maraming kahilingan para sa tulong sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Robredo na tiniyak ng kanyang tanggapan noong nakaraang taon na ang kanilang budget ay tumutugon sa pandemya ng COVID-19.
Binanggit din ni Robredo na kaya nilang pondohan ang kanilang mga proyekto, tulad ng COVID-19 home care kits at swab cabs, sa pamamagitan ng mga donasyon mula sa iba’t ibang sektor.
“Halimbawa, ’yung COVID care kits, a large part of that is funded by the Office of the Vice President. Halimbawa, ’yung mga Swab Cab. ’Yung mga binibili namin na mga testing kits, while we also receive donations pero a large part of that is coming from the Office of the Vice President,” dagdag pa niya.
“Gusto kong sabihin, we are very mindful that we’re in the middle of the crisis and we make sure that our budget is responsive to the crisis that we’re going through.” Ayon kay Robredo.